
Tatlo ang nasaktan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa isang bahagi ng highway sa bayan ng Upi sa Maguindanao del Norte nitong Lunes ng Hapon, August 26, 2024.
Ang isa sa dalawang motorsiklo at may sakay na dalawang tao, isa sa kanila nagtamo ng mga galos at labis na nasaktan sanhi ng aksidente.
Lasing ang isang motoristang sakay ng isa sa dalawang motorsiklong nasangkot sa aksidente, ayon sa mga saksi na tumulong na maitabi mula sa gitna ng highway ang mga biktima upang mabigyan ng paunang lunas.