
Dalawang magsasakang mga Moro napatay sa pananambang ng mga armado sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur nitong Lunes.
Sa mga hiwalay na ulat ng Datu Paglas Municipal Police Station at ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office nitong Martes, agad na namatay sa mga tama ng bala ang magkaangkas sa motorsiklong sina Kamaro Guimadin Balulao at Kasan Makmod Sulayman, na patungo sana sa Lutayan, Sultan Kudarat ng sila ay ma-ambush hindi kalayuan sa poblacion ng naturang bayan.
Dahan-dahang tatabi na sana ang mga biktima sa gilid ng highway upang bumili ng kung ano sa isang tindahan ng sila ay pinagbabaril ng walang habas ng mga salarin na mabilis na nakatakas.
Ayon kay Brig. Gen. Romeo Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nagtutulungan ang mga imbestigador ng Datu Paglas municipal police at mga local officials sa pagkilala sa mga pumatay kina Balulao at Sulayman upang masampahan ng mga kaukulang kaso. (Dec. 10, 2024)