Barangay kapitan, misis biktima sa ambush

Sugatan ang 45-anyos na misis ng isang barangay kapitan, si Alma Mansamo, ng sila ng kaniyang kabiyak na si Lito Mansamo ay tambangan sa isang barangay road sa Purok 1, Barangay Salumay sa Marilog District sa Davao City nitong umaga ng Martes, September 3, 2024.

Ang mister ng sugatang si Mansamo ay barangay chairman ng isa sa mga barangay sa Marilog District, ayon sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Davao City.

Ayon sa Marilog Police Station, sakay ng kanilang Mitsubishi pick-up truck ang mag-asawa ng harangin ng mga lalaking armado at agad na pinagbabaril.

Mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush sa mag-asawa, ayon sa pulisya. (Sept. 3, 2024, handout police photo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *