Aksidente sa Koronadal City

Isang sports utility vehicle ang bumaliktad, sa kasagsagan ng ulan, sa isang bahagi ng highway sa Barangay Paraiso sa Koronadal City bandang 4:00 p.m. nitong Sabado, October 19, 2024.

Posible diumanong nawalan ng kontrol ang driver ng sasakyang naaksidente dahil naging madulas ang sementong highway sanhi ng ulan.

Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Koronadal City Police Office hinggil sa insidente.

October 19, 2024, handout photo, Office of Barangay Chairman Danilo Leguro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *