P3.4 million halaga ng shabu nasamsam ng PDEA-BARMM

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P3.4 million na halaga ng shabu sa dalawang dealer na na-entrap sa Barangay Poblacion sa Saguiaran, Lanao del Sur nitong Martes.

Kinumpirma nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasa kustodiya na nila ang dalawang suspects, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Castro, kusang-loob na nagpa-aresto ang dalawa ng mahalata na mga PDEA-BARMM agents at mga operatiba ng ibat-ibang mga units ng Lanao del Sur Provincial Police Office ang kanilang nabentahan ng kalahating kilong shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa isang lugar sa Barangay Poblacion sa Saguiaran.

Ayon kay Castro, naikasa ang naturang matagumpay na operasyon sa tulong ng mga municipal officials sa Saguiran at ni Gov. Mamintal Adiong, Jr. na siyang chairman ng multi-sector Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council. (January 15, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *