Babae patay, kasama sugatan sa ambush sa Basilan

Agad na namatay sa mga tama ng bala sa ulo ang isang babae habang sugatan naman ang kanyang kasama sa isang ambush sa Barangay Lagayas sa Tipo-Tipo sa Basilan nitong hapon ng Biyernes.

Sa ulat nitong Sabado ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nasawi si Teodora Aranayi habang nagtamo naman ng mga tama ng bala sa tiyan si Ariel Repecio sanhi ng naturang pananambang sa isang liblib na bahagi ng Lamitan-Sumisip Highway sa Barangay Lagayas sa Tipo-Tipo, isa sa 11 na mga bayan sa Basilan.

Magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa, galing sa Barangay Tumahubong sa Sumisip at pauwi na sana sa Barangay Cabunbata sa Isabela City, Basilan ng pagbabarilin ng mga lalaking nakaabang sa kanila sa Barangay Lagayas.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin gamit ang isang motorsiklo, ayon sa ulat ng Tipo-Tipo Municipal Police Station. (Jan.11, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *