
Naisugod sa pagamutan ang driver na si Nasrudin Panggo, at helper niyang si Samsudin Panggo, nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng pagbulusok ng kanilang hauler truck sa bangin sa Barangay Tinimbacan sa Banisilan sa Cotabato nitong hapon ng Linggo, January 5, 2025.
May kargang tubo ng naturang truck, ihahatid sana sa isang sugar mill sa Matalam, Cotabato.
Nawalan ng control ang driver ng truck ng biglang nawalan ng preno kaya ito dumiretso sa bangin, ayon sa inisyal na ulat nitong Lunes ng Banisilan Municipal Police Station. (January 6, 2025)