Masamang amoy sa kapiligiran, apektado ilang pamilya sa Zamboanga

Isang sanggol at isang senior citizen ang naisugod sa hospital matapos makalanghap ng masangsang na amoy sa kapaligiran ng isang lugar sa may Marcos Drive sa Barangay Guiwan sa Zamboanga City nitong Martes, December 10, 2024.

Sa inisyal na ulat ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection-Zamboanga City at ng mga barangay officials, ilang mga pamilya ang iniwan ang kanilang mga tahanan sa naturang lugar sanhi ng masangsang na amoy sa kapaligiran na kasalukyan pang ini-imbestigahan ng mga kinauukulan.

Nawalan diumano ng malay ang isang sangol at senior citizen na naapektuhan ng masangsang na amoy kaya sila naisugod sa pagamutan.

Maagap naman na naka-responde sa insidente ang mga kasapi ng BFP sa Region 9 at mga emergency responders ng Zamboanga City local government unit. (DEC. 11, 2024, HANDOUT PHOTOS) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *