7 drug den operators timbag sa PDEA-BARMM

Arestado ang isang babaeng drug den operator at anim niyang mga kasabwat sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Panang sa Wao, Lanao del Sur nitong Lunes, November 18, 2024.

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nasa kustodiya na nila ang drug den operator na si Masigay Tumbaji Daut at mga kasamang sina Disinon Moda Mabagur, Aliton Tumbaji Daut, Era Daut Orab, Montasir Tumbaji Daut, Maulana Mago Abad at Dioselito Ayson Capucao.

Agad silang inaresto ng mga PDEA-BARMM agents at mga pulis mula sa mga units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region matapos nilang mabilhin ng P102,000 na halaga ng shabu sa kanilang drug den sa Barangay Panang sa Wao, isa sa 39 na mga bayan sa Lanao del Sur.

Nasamsam din ng mga PDEA-BARMM agents ang ilang mga paso na may bagong tanim na marijuana sa isang sulok ng drug den ng mga suspects, ayon kay Castro. (November 20, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *