2 bagong tanggapan sa Cotabato airport ng 2 ahensya ng MOTC bukas na

Dalawang ahensya ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang Bangsamoro Airport Authority (BAA) at ang Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro (CABB), ay may bagong mga tanggapan sa Cotabato Airport sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ang naturang mga tanggapan ay magkatuwang na itinatag ng mga opisyal ng BAA at ng CABB at ni Bangsamoro Transportation and Communications Minister Paisalin Pangandaman Tago.

Mismong si Minister Tago at mga opisyal ng mga ahensiya ng MOTC-BARMM and siyang nanguna sa pagpapasinaya nitong Miyerkules sa naturang mga bagong tanggapan sa Cotabato Airport compound.

Ayon kay Minister Tago, malaki ang maidudulot ng naturang bagong mga tanggapan sa pagpapalaganap ng serbisyo publiko ng MOTC-BARMM kaugnay ng air transportation programs nito. (November 16, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *