
Napatay sa saksak sa ibat-ibang parte ng katawan ang isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU), ang 34-anyos na si Jomar Lucasan, sa isang lugar sa Midsalip sa Zamboanga del Sur nitong hapon ng Miyerkules, October 30, 2024.
Ayon sa Zamboanga del Sur Provincial Police Office, pauwi mula sa isang birthday party ang off-duty na CAFGU member na si Lodiomon ng lapitan ng kanyang kakilalang si Benjie Tabunyag Calderon at sinaksak ng ilang beses.
Positibong kinilala ng mga saksi si Calderon na siyang responsable sa pananaksak kay Lodioman na nadeklang dead on arrival ng mga doctor sa isang hospital kung saan siya dinala ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.
Mabilis na nakatakas si Calderon, ngayon hinahanap na ng mga barangay officials at mga kasapi ng Midsalip Municipal Police Station. (Nov. 1, 2024, handout Facebook image)