Nasiyahan ang mga opisyal ng Bangsamoro labor and employment ministry, pinamumunuan ni Minister Muslimin Sema, sa ginawang courtesy visit sa kanilang tanggapan ng mga kinatawan ng International Organization for Migration, o IOM, nitong nakalipas lang na linggo.
Sa mga ulat ng mga himpilan ng radyo sa mga lungsod sa Central Mindanao nitong Sabado, October 26, 2024, malugod na pinasalamatan ni Bangsamoro labor Minister Muslimin Sema sina Erina Yamashita, head of IOM sub-office sa bansa, at ang kanilang peace and development project assistant na si Sahara Mama, sa kanilang ginawang courtesy visit sa kanyang tanggapan sa Bangsamoro capitol sa Cotabato City.
Kanilang tinalakay, sa naturang meeting, ang pagpapalakas ng kooperasyon sa pagsulong mga mga programang makakabuti sa kalagayan ng mga Muslim, Christian at non-Moro Indigenous people sa labor sector ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, BARMM.
Kasama ni Minister Sema sa kanilang meeting ng mga IOM representatives sina Mohiddin Usman ng Overseas Workers Welfare Bureau ng Ministry of Labor and Employment-BARMM, at isa pang opisyal ng MoLE-BARMM, si Nur Gabid Taup.
Ang isang matagal ng partner ng MoLE-BARMM sa mga programa nitong naglalayong masugpo ang child labor at paggamit sa mga kabataan bilang mga mandirigma ay ang International Labour Organization na isang ahensiya ng United Nations. (October 26, 2024)