![](https://nsjnews.com/wp-content/uploads/2025/01/image-161.png)
Sa inisyal na ulat ni Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, hahainan lang sana ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 13 sa Cotabato City si Joey Sanday ng mga kasapi ng Sultan Kudarat Municipal Police Station na pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin sa isang operasyong nauwi sa kanyang tuluyang pagkakadetine at pagkakaaresto din ng kanyang kasabwat sa mga illegal na gawain na si Kyle Taha Mastura.
Ayon kay Macapaz, nagtangka pang tumakas si Sanday at Mastura ng mapuna ang mga pulis na papalapit sa kanilang kinaroroonan sa Barangay Salimbao ngunit agad din naman silang nasukol at, ng kapkapan, nakunan ng mga nakapaketeng shabu na abot sa P6,868 ang kabuuang halaga.
Sa ulat ni Madin sa Maguindanao del Norte Provincial Police, posibleng may transaction sa isat-isa si Sanday at Mastura kaya sila tumakbo palayo ng mapuna ang mga pulis na papalapit sa kanila na maagap namang nasukol sa tulong ng mga residente ng Barangay Salimbao. (October 22, 2024)