Patay sa pamamaril ang isang reporter ng isang local news outfit sa Zamboanga City nitong gabi ng Martes, October 22, 2024.
Ang biktima na si Maria Vilma Rodriguez ay manunulat ng E-Media, isang social media outfit sa Zamboanga City. Siya ay dating volunteer reporter ng isang himpilan ng radyo sa naturang lungsod bago naging manunulat ng E-Media, isang social media news platform na Zamboanga peninsula, Sulu, Basilan at Taw-Tawi and coverage area.
Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police Office nitong umaga ng Miyerkules, pinasok ng isang lalaking may bitbit na baril si Maria Vilma Rodriguez sa kanilang tahanan sa Barangay Tumaga sa Zamboanga City at agad na pinagbabaril na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Nadeklarang dead on arrival si Rodriguez ng mga doctor kung saan siya dinala ng mga barangay officials sa Tumaga upang malapatan sana ng lunas. (October 23, 2024) CONTRIBUTED REPORT