Bagong hirang na Rajah Putri ng Dipatuan-SUltan Dalimbang Bangsa Isulanen Buayan Darussalam

Matapos sumailalim sa extensibong proseso at pagsusuri ng mga eksperto, naitalaga si Princess Grace Sharazad Adil Sinsuat-Gulmatico bilang Rajah Putri ng Dipatuan-Sultan Dalimbang Bangsa Isulanen Buayan Darussalam sa isang seremonyang ginanap sa Tambler, General Santos City nitong Sabado, October 12, 2024.

Si Rajah Putri Princess Grace Sharazad Adil Sinsuat-Gulmatico ay kabiyak ni Brig. Gen. James Gulmatico na kasalukuyang regional director ng Police Regional Office 12 na ang headquarters ay nasa General Santos City.

Kilala si Brig. Gen. Gulmatico sa kanyang adbokasiyang naglalayong mapalakas ang pagkakaisa ng mga Muslim, mga Kristiyano at mga indigenous communities sa Central Mindanao at sa mga probinsya at lungsod na sakop ng Bangsamoro region.

Ayon sa salaysay ng mga bihasa, ang tinatawag sa wikang English na lineage, o pinagmulang lahi ng Dipatuan-Sultan Dalimbang Bangsa Isulanen Buayan ay mula sa Sarawak sa Borneo, kumalat sa Mindanao noong 1800s.

Ngayong isa ng Rajah Putri ang kabiyak ni Brig. Gen. Gulmatico, mas nadagdagan pa ang kanyang impluwensya at traditional na katungkulan upang makatulong sa mga peace and security initiatives ng heneral na kilalang malapit sa mga Moro communities sa Bangsamoro region. (October 15, 2024, handout photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *