Aksidente sa El Savador City, Misamis Occidental

Nagtamo ng mga sugat at pasa sa kanilang mga katawan ang mga driver at pasahero ng isang Isuzu light truck at isang sports utility vehicle na nagbanggaan sa isang bahagi ng highway sa Amoros sa El Salvador City sa Misamis Oriental nitong hapon ng Sabado, October 12, 2024.

Wala namang naiulat na nasawi sa insidente. Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng El Salvador Municipal Police Station hinggil sa insidente. (Handout photo, October 13, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *