![](https://nsjnews.com/wp-content/uploads/2025/01/image-94.png)
Hindi na naisalba ang buhay ng walong-taong gulang na sa George Matias Billena, nasawi sa pagkalunod sa Minapan River sa Barangay Minapan sa bayan ng Tulunan sa Cotabato apat na araw pa lang ang nakakalipas.
Sa mga ulat ng barangay officials at ng Tulunan Municipal Police Station nitong Linggo, October 6, 2024, nalunod ang Grade 2 pupil na si Billena habang nagtatampisaw sa naturang ilog kasama ang ilang mga kaibigan.
Agad na dinala ng mga emergency responders sa isang hospital si Billena upang lapatan sana ng lunas, ngunit wala ng nagawa pa ang mga manggagamot na sumuri sa kanya. (October 6, 2024)