UBJP Cotabato City candidates naghain na ng COC

Nagpakita ang suporta ang libo-libong mga supporters ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), mistulang “people’s power,” sa mga kandidato nito para sa ibat-ibang puwesto sa Cotabato City, kasabay ng paghain ng certificates of candidacy sa tanggapan ng Commission on Elections sa lungsod nitong umaga ng Sabado, October 8, 2024.

Pansamantalang nabalam ang daloy ng trapiko sa Sinsuat Avenue sa Cotabato City dahil sa dami ng mga supporters ng mga kandidato ng UBJP Cotabato City Chapter sa pagka-mayor na si Mohammad “Bruce” Matabalao, vice mayor na si Johair Madag, at 10 na iba pa para sa Sangguniang Panglungsod.

Ang 10 kandidato ng UBJP para sa Cotabato City council ay kinabibilangan nila Florante Formento, Elboy Midtimbang, Mohamad Mangelen, Anwar Malang, Michael Datumanong, Faidz Edzla, Joven Pangilan, Jonas Mohammad, Datu Raiz Sema at Shalimar Candao

Ang UBJP Party ay isang regional political party na inorganisa ng Moro Islamic Liberation Front kaugnay ng layuning maisulong, sa pamamagitan ng moral governance, ang mga agenda ng peace process nito sa Malacañang na siyang naging batayan ng pagbuwag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, napalitan nitong 2019 ng mas may kapangyarihang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang chief minister ng BARMM ay si Ahod Ebrahim, chairman ng central committee ng MILF at pangulo ng UBJP. (October 5, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *