![](https://nsjnews.com/wp-content/uploads/2025/01/image-69.png)
Abot sa 25 na mga bata at mga guro ang nasawi, nasunog pa sa pagsabog ng kanilang sinasakyang bus, sa Pathon Yutin Road sa Uthani Province sa Thailand habang patungo sana sa Bangkok, bilang field trip kamakalawa.
Sumabog ang bus habang padaan sa naturang highway at naniniwala ang mga kinauukulan sa Thailand na posibleng hindi terrorist attack ang naturang kaganapan, bagamat inaalam pa ng Thailand police at military ang sanhi ng naturang pagsabog na nagsanhi sa pagkamatay ng maraming school children at kanilang mga kasamang guro.
Sa inisyal na ulat ng mga media outfits sa Thailand, 22 na mga bata at tatlong mga guro ang nasawi sa insidente. (October 2, 2024)