8 pang BIFF bombers, sumuko sa militar

Karagdagang walo pang mga miyembro ng teroristang grupo, bihasa sa paggawa ng improvised explosive devices, ang sumuko sa 57th Infantry Battalion ng Philippine Army nitong Biyernes at nangakong magbagong buhay na.Isinuko muna ng walong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang kanilang mga armas, kinabibilangan ng assault rifles, grenade launchers at mga IED, bago sila nanumpa ng katapatan sa harap ng local officials at ni Brig. Gen. Michael Santos ng 603rd Infantry sa isang seremonyang ginanap sa headquarters ng 57th IB sa Upi, Maguindanao del Norte.Sa pahayag nitong Sabado ni Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th Infantry Division, pumayag na manumpa ng katapatan sa gobyerno sina Omar Kusain, Karno Datukan, Weng Aliman, Jowie Buludan, Allan Lauriano, Aladin Duwang, Kie Basalan at Norsamin Abedin sa pakiusap nila Santos, na commander ng 603rd Infantry Brigade, ni Lt. Col. Guillermo Mabute ng 5th Infantry Battalion.Sa salaysay ng walong sumukong BIFF members sa mga reporters, kanilang nilinaw na pagod na sila sa kakatakbo sa mga liblib na lugar tuwing may anti-terror operations ang mga unit ng 6th ID sa mga bayan kung saan sila nagtatago.Kanila ding ipinaliwanag sa mga reporters na pumayag silang lumabas na at sumuko a 57th IB dahil watak-wata na sila at dahil walang naidulot na mabuti para sa kanila at kanilang mga pamilya ang kanilang pagsanib sa BIFF at dahil din naging magandang karanasan ng mahigit 700 nilang mga kasamang kumalas na sa grupo mula 2023 at naibalik na sa kani-kanilang bayan sa tulong ng mga unit ng 6th ID at ibat-ibang mga ahensya ng gobyerno. (May 25, 2024)