3, isa sa kanila pulis, patay sa engkwentro sa GenSan

Tatlo ang agad binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala na natamo sa isang engkwentro sa Barangay Baluan sa General Santos City nitong gabi ng Miyerkules.

Tinutugis ng mga kasapi ng General Santos City Police Office dalawang suspects sa pagpatay sa residente ng lungsod na si Didith Alejandria ng maganap ang palitan ng putok.

Sa inisyal na ulat nitong Huwebes ng Police Regional Office-12, nasawi sa naturang insidente si Patrolman Benjamin Donton Defunturom III.

Nakilala dalawang armadong nakabarilan ng nasawing pulis at kanyang mga kasama na namatay din sa mga tama ng bala na Jessie Semina at isang alias Tagre, na diumano mga hired killers at sangkot sa pagbebenta ng shabu. (Sept. 12, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *