2 drug dens isinara ng PDEA-12, operators kulong na

Dalawang mga drug dens sa Central Mindanao ang magkatuwang na naisara ng local government units, ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency-12 sa mga hiwalay na operasyon kamakalawa.

Sa pahayag nitong Martes ni Aileen Lovitos, director ng PDEA-12, lima ang naaresto ng kanilang agents sa pag-raid ng isang drug den sa Ricafort Subdivision sa Kidapawan City sa probinsya ng Cotabato kung saan nakunan ang mga suspects ng P88,000 na halaga ng shabu.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Mairah Bringas Marohom, Mohamad Alauya Hornada, Sarah Sophia Marohom at Dezairah Bringas Marohom, lahat mga residente ng Kidapawan City, naaresto sa naturang operasyon na suportado ng local executives at ni Brig. Gen. James Gulmatico, director ng Police Regional Office-12

Sunod na naisara, sa hiwalay na PDEA-12 operation, ang drug den ng mga magkasabwat na sina Ritchie Lacamento Dapulang, Anton Baynosa Tugonon, Wilhym Mandalones Belo at Shiemela Quibete Gonzales sa Barangay Paulino Santos sa Koronadal City sa South Cotabato, kabisera ng Administrative Region 12.

Nakunan ng P108,800 na halaga sina Dapulang Tugonon, Belo at Gonzalez sa naturang operasyon, ngayon nasa kustodiya na ng PDEA-12, ayon kay Lovitos. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *