Sariaya, Quezon isinailalim sa state of calamity sa dengue

SARIAYA, Quezon, Philippines (Pilipino Star Ngayon)— Idineklarang nasa ilalim ng state of calamity ang bayang ito dahil sa tumataas na kaso ng dengue.

Ayon kay Vice Mayor Alex Tolentino, ang hakbang ay pinagkasunduan ng kabuuan ng Konseho base sa Resolution number 192-2024 na ipinasa ni Municipal Councilor Mario Medrano.

Ayon kay Tolentino, iniulat sa kanya ni Municipal Health Officer (MHO) Dra. Nancy Cataroja na mula noong buwan ng Enero hanggang Agosto 27, 2024 ay nakapagtala ang Sariaya, Quezon ng 615 kaso ng dengue.

Base sa tala ng MHO, nagkakaroon ng 200 kaso ng dengue sa bawat buwan ang bayan ng Saria¬ya bagama’t hindi naman nagpapabaya ang lokal na pamahalaan upang ibaba ang kaso.

SOURCE: Pilipino Star Ngayon, August 29, 2024, Tony Sandoval

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *