Lalaki sinunog sarili, patay! 5 Bahay tupok

Matinding depresyon diumano ang siyang dahilan kung bakit sinunog ni Roldan Cuenca ang sarili sa isang insidenteng nagsanhi din ng pagkatupok ng limang bahay sa Barangay Limaha sa Butuan City nitong Linggo, February 11, 2024.

Ang kanyang 13-anyos na anak pa ang kanya mismong inutusan na bumili ng gasolina na kanyang ibinuhos sa katawan at sinindihan gamit ang posporo.

Sa ulat ng Butuan City Police Office nitong Martes, ang pagsunog ni Cuenca sa sarili ay nagsanhi din ng pagkakasunog ng limang bahay na magkakalapit lang, mga yari sa semi-permanent materials.

Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay sa mga himpilan ng mga radio sa Caraga Region, nagsimulang makaranas ng depresyon si Cuenca ng hiniwalayan ng asawa at mula noon, nalulong na rin sa shabu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *