Mga Blaan, 2 kumpanya nag-ayuda sa landslide victims

Magkatuwang na nagpaabot ng P300,000 na halaga ng ayudang mga pagkain at bottled water ang magkaalyadong tribong Blaan sa South Cotabato at isang pribadong kumpanya sa probinsya para sa mga biktima ng landslide sa Barangay Masara sa Maco, Davao de Oro.

Tinanggap kamakalawa ng mga kawani ng Apex Mining Corporation, namatayan ng maraming mga manggagawa sa naturang sakuna,mga canned goods, instant noodles, at bottled water na hinatid sa Maco ng mga opisyal ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) at mga representatibo ng tribong Blaan sa Tampakan, South Cotabato.

Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong umaga ng Lunes, pinasalamatan mismo ni Maco Mayor Arthur Carlos Voltaire Rimando ang mga Blaan sa Tampakan at ang SMI sa kanilang magkatuwang na relief operation para sa Barangay Masara.

Nagpadala din ang kumpanyang Procter and Gamble ng water purification solution packets sa mga residente ng Barangay Masara idinaan sa Department of Social Welfare and Development na nagsagawa din ng relief mission sa Maco nitong nakalipas na linggo, pinangunahan mismo ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian. (February 13, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *