P34 million na halaga ng shabu, nasamsam sa Zambo

Nasamsam ng mga anti-narcotics agents ang abot sa P34 million na halaga ng shabu sa dalawang mga bigtime dealers na na-entrap sa Gonzalez Drive sa Barangay Mercedes sa Zamboanga City halos hatinggabi na nitong Lunes, February 12, 2024.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Martes, kinumpirma ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9 ang pagkakaaresto ng dalawang magkamag-anak na suspects, pansamantalang hindi muna kinilala, sa naturang entrapment operation na naisagawa sa tulong ng mga intelligence units ng Western Mindanao Command ng militar at ng Philippine Drug Enforcement Agency-9.

Ayon kay Zamboanga CPO director Police Col. Alexander Lorenzo, hindi bababa sa limang kilo ang nakumpiskang shabu sa mga suspects na kusa ng nagpa-aresto ng ng mahalatang mga hindi unipormadong mga pulis ang kanilang napagbentahan nito.

Ayon kay Lorenzo, nai-kasa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng mga impormante, ilan sa kanila mga barangay at city officials.

Nakapiit na ang dalawang suspects sa isang detention facility ng Zamboanga CPO. (February 13, 2024, via JFU in Cotabato City)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *