6th ID may bagong 37 ‘peacebuilder’ lieutenants

Karagdagang 37 na mga bagong second lieutenants ang itatalaga sa mga units ng 6th Infantry Division na may mga community peacebuilding projects kaugnay ng Mindanao peace process ng Malacañang.

Sa pahayag nitong Biyernes ni Lt. Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th ID, nagtapos nitong Miyerkules ng service orientation training ang mga bagong tinyente, pito sa kanila mga babae, sa 6th Division Training School sa Barangay Semba sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Magkatuwang na pinangunahan ng commandant ng naturang training school, si Col. Roberto Breboneria, at ng assistant division commander ng 6th ID, si Brig. Gen. Nasser Lidasan, ang graduation program kaugnay ng pagtatapos ng kanilang orientation training.

Ayon kay Nafarrete, ikakalat ang mga bagong second lieutenants sa mga probinsyang sakop nila, ang Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato at Sarangani, kung saan may peace and reconciliation programs ang 6th ID para sa mga miyembro ng mga teroristang grupo ng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na nagbalik loob na sa pamahalaan.

Magkatuwang na ipinapatupad din ng 6th ID at ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Carlito Galvez, Jr. sa Central Mindanao ang Small Arms and Light Weapons Program na may nakolekta ng mahigit 600 na mga assault rifles, M60 at .30 caliber machineguns at mga rocket at grenade launchers sa mga residente ng rehiyon mula July 2024. (January 17, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *