6 sugatan sa kaguluhan sa COC filing sa Maguindanao

Anim ang sugatan sanhi ng palitan ng putok at hagisan ng mga bato dahil sa tangkang pag-file sana nitong Martes ng kandidatura sa pagka-vice mayor sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur ng diumano isang wanted sa mga kasong nakasalang sa mga korte, ayon sa ulat ng pulisya.

Hindi na naaksyonan ng mga taga Commission on Elections ang paghain sana ng naturang indibidwal ng kandidatura dahil wala itong din siyang dalang Certificate of Candidacy.

Kinumpirma ng local government officials ng Shariff Aguak na tatlong kalalakihan na residente ng naturang bayan ang sugatan sa insidente na nagsanhi din ng pagkakasugat ng tatlong iba sa grupong nagpasimuno ng kaguluhan.

Unang naimbita pa ang naturang indibiwal, isang lalaking diumano matagal ng may ibat-ibang kaso, ng mga pulis para sa kaukulang identity verification, at pinayagang mag-file ng kandidatura sana sa municipal Comelec office ngunit hindi na-proseso dahil ang kanyang tanging dala diumano ay certificate of nomination and acceptance lang ng kanyang kinaanibang political party.

Sa pahayag ng mga opisyal ng pulisya sa Shariff Aguak at ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, ang naturang kaganapan ang nagsanhi ng tension na nauwi sa batuhan ng mga sasakyan at palitan ng putok ng mga kinauukulan at supporters ng naturang kakandidato sana para sa pagka-vice mayor ng naturang bayan. (October 8, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *