Tatlong drug den operators na diumano konektado sa isang terrorist group ang nalambat ng ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Poblacion 2 dito sa lungsod nitong Lunes, October 7, 2024.
Ayon sa mga kamag-anak ng mga nakadetine ng sina Abdul Eman Kusin, Norman Pendular, Richard Hilaga Batuga, maliban sa operasyon ng kanilang drug den sa Barangay Poblacion 2, nagbebenta din ang tatlo ng shabu sa mga liblib na lugar sa Central Mindanao na may presensya ng Dawlah Islamiya.
Sa ulat nitong Martes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, agad na inaresto ng kanilang mga agents sina Kusin, Pendular at Batuga matapos nilang mabilhan ng P102,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Doña Pilar Street sa Barangay Poblacion 2, Cotabato City.
Naikasa ang naturang entrapment operation sa tulong ng mga units na pinamumunuan ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.
Ayon sa mga impormanteng humiling na huwag ng kilalanin, sina Kusin, Pendular at Batuga ay protektado ng Dawlah Islamiya at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa kanilang pagbebenta ng shabu at marijuana sa mga liblib na lugar sa mga probinsya sa Central Mindanao. (October 8, 2024)