Tatlong mga dealers, isa sa kanila babae, ang nakunan ng abot sa P690,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation na naikasa sa tulong ng kanilang mga kakilala at kamag-anak sa Barangay Tambler sa General Santos City nitong gabi ng Linggo, April 12
Kinumpirma nitong Martes ng mga local executives at mga officials ng General Santos Police Office ang pagkaaresto sa naturang entrapment ng mga matagal ng minamanmanan na mga shabu dealers na sina Jerryl Suaner Tapilot, 38-anyos, James Carpus Liquit, 24-anyos, at ang kanilang 35-anyos na babaeng kasabwat na si Jenlyn Espinosa.
Sa ulat Brig. Gen. Arnold Ardiente, director ng Police Regional Office 12, agad na inaresto ng mga magkasanib na mga operatiba ng mga units ng PRO-12 at ng General Santos City Police Station 5 ang tatlong suspects matapos silang bentahan ng shabu sa isang lugar sa Purok Camachile sa Barangay Tambler, habang nakamasid sa malayo ang kanilang mga kamag-anak na nagsumbong sa pulisya ng kanilang pagbebenta ng illegal na droga.
Ayon kay Ardiente at sa mga local executives sa General Santos City, abot sa P690,000 ang halaga ng shabu na nasamsam mula kina Tapilot, Liquit at Espinosa na patagong nagbebenta ng shabu at marijuana sa mga ilang mga barangay sa lungsod
Ayon sa kay Ardiente, nagtulungan ang Regional Police Drug Enforcement Group-Special Operations Group 12, ang Regional Intelligence Division 12, ang Regional Investigation Unit 12 at ang General Santos City Police Station 5, lahat sakop ng PRO 12, sa paglatag ng naturang matagumpay na entrapment operation.
Naikasa and naturang entrapment operation batay sa ulat ng mga kamag-anak ng tatlong suspects hinggil sa kanilang pagbebenta ng shabu sa lungsod at mga karatig na mga bayan sa South Cotabato at Sarangani. (April 14, 2026)

