3 sugatan sa Baguio City road accident

Tatlong mga manggagawa ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng pagbulusok ng kanilang sinasakyan na boom truck sa malalim na gilid ng highway sa Barangay Sto. Niño sa Baguio City nitong gabi ng Lunes, April 13.

Dumausdos ang boom truck sa slaughter house compound sa Baguio City, nagresulta sa pagkawasak ng bakod at ng water tank sa loob nito.

Tatlong mga manggagawa na nasa slaughter house compound ang nahagip din boom truck, ayon sa mga kinauukulan.

Ayon sa ulat, ipinarada ng driver ang boom truck sa gilid ng highway upang mag-diskarga ng ng construction materials ngunit biglang nag -loko ang air brake system nito kaya umusad at bumulusok sa malalim na gilid ng kalye at nahulog sa slaughter house compound. (April 14, 2026, handout photo)