
Arestado ang dalawang lalaking nagpapakalat ng shabu sa mga kabukiran sa mga barangay sa Banisilan sa probinsya ng Cotabato, nalambat ng mga pulis nitong gabi ng Martes, November 5, 2024.
Sa ulat nitong Miyerkules ni Major Arvin Cambang, hepe ng Banisilan municipal police, hindi na pumalag sina Ramroel Montales Repoylo at Michael Samrana Sinonggaya ng arestuhin ng kanilang mga operatiba na kanilang nabentahan ng P500 na halaga ng shabu sa isang lugar sa Barangay Poblacion 1 sa naturang bayan.
Ayon kay Cambang, bagama’t hindi malaki ang halaga ng shabu na nasamsam sa dalawa, sapat na itong magamit na ebidensya sa pagsampa sa kanila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nagpasalamat ang mga municipal officials ng Banisilan kay Cambang at mga kasapi ng kanilang municipal police force sa pagkakalambat kina Repoylo at Sinonggaya na kilalang nagbebenta ng tingi-tingi na shabu sa mga kabukiran sa kanilang bayan. (Nov. 6, 2024, handout police photo)