11 pang mga baril, nakolekta ng 6th ID sa Maguindanao

Karagdagang 11 pa na ibat-ibang mga baril ang isinuko ng mga residente ng Guindulungan, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules bilang tugon sa isang disarmament program sa Central Mindanao ng Philippine Army.

Sa pahayag nitong Biyernes ni Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division, ang naturang 11 na mga baril ay kusang loob na ipinakustodiya ng mga residente ng Guindulungan sa 2nd Mechanized Battalion bilang suporta sa Small Arms and Light Weapons Management (SALW) Program ng 6th ID.

Ayon kay Nafarrete ang mga baril na magkatuwang na nakolekta ng Guindulungan municipal officials at ng commanding officer ng 2nd Mechanized Battalion na si Lt. Col. Jerome Peñalosa ay kinabibilangan ng dalawang gauge 12 shotgun, dalawang .45 caliber Thompson, isang M203 40 millimeter grenade launcher, isang KG 9 submachine, isang Ultimax assault rifle at dalawang M79 grenade launchers.

Ang SALW Program ng 6th ID ay naglalayung makolekta ang mga walang mga dokumentong mga baril at mga gamit pandigma sa ibat-ibang probinsya at mga lungsod na sakop nito.

Mahigit 2,000 na ang mga assault rifles, grenade launchers, B40 rocket launchers, M60 machine guns, 60 at 81 millimeter mortars ang boluntaryong isinuko sa mga units ng 6th ID ng mga residente ng mga probinsya ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Cotabato, Sultan Kudarart, South Cotabato, Sarangani at Cotabato City mula 2021. (October 18, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *