1 tanod patay, 5 sugatan sa kaguluhan sa COC filing sa Maguindanao

Isang barangay tanod ang patay habang limang iba ang sugatan sa palitan ng putok at hagisan ng mga bato dahil sa tangkang pag-file sana nitong Martes ng kandidatura sa pagka-vice mayor sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur ng diumano isang wanted sa mga kasong nakasalang sa mga korte, ayon sa ulat ng pulisya.

Hindi na naaksyonan ng mga taga Commission on Elections ang paghain sana ng naturang indibidwal ng kandidatura dahil wala itong din siyang dalang Certificate of Candidacy.

Kinumpirma ng local government officials ng Shariff Aguak at ng Shariff Aguak Municipal Police Station, sa pamumuno ni Lt. Col. Regie Albellera, na nasawi sa insidente ang isang kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team na naka-destino sa poblacion, o sentro ng naturang bayan.

Sugatan naman si Police Corporal Montassir Eskak ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office na isa sa mga pumagitna sa mga naglabang grupo at isa pang residente ng Shariff Aguak, si Saddam Taguigaya.

Tatlong iba sa panig ng mga nagpasimula ng kaguluhan ang nasugatan din sanhi ng pangyayari, ayon sa Shariff Aguak LGU officials at sa municipal police.

Unang naimbita pa ang wanted na indibiwal na nais maghain ng COC sa pagka-vice mayor sana, isang lalaking diumano matagal ng may ibat-ibang kaso, ng mga pulis para sa kaukulang identity verification, at pinayagang mag-file ng kandidatura sana sa municipal Comelec office ngunit hindi na-proseso dahil ang kanyang tanging dala diumano ay certificate of nomination and acceptance lang ng kanyang kinaanibang political party.

Sa pahayag ng mga opisyal ng pulisya sa Shariff Aguak at ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, ang naturang kaganapan ang nagsanhi ng tension na nauwi sa batuhan ng mga sasakyan at palitan ng putok ng mga kinauukulan at supporters ng naturang kakandidato sana para sa pagka-vice mayor ng naturang bayan. (October 9, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *