Magkatuwang na pinaghahanap na ng mga kasapi ng Lamitan City Police Station at ng mga tropa 101st Infantry Brigade ang mga armadong nag-ambush sa isang Yakan na magsasaka sa Barangay Bohe Bessey sa Lamitan City, Basilan nitong Sabado, April 20, 2024.Agad na namatay sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ang ambush victim na si Wahid Jalal, 26-anyos, ng tambangan ng mga armadong pinamumunuan ni Nulhin Arabin sa isang lugar sa Sitio Sabana sa Barangay Bohe Bessey.May mga saksi na nagturo kina Arabin na siyang responsible sa naturang pananambang, ayon sa pahayag nitong Linggo, April 21, 2024, ni Lamitan City police chief Lt. Col. Arlan Delumpines.Ayon sa mga imbestigador ng Lamitan City police, may matinding alitan sina Arabin at ang ang kanilang napaslang na si Jalal. Makikita sa larawan ang mga imbestigador ng lokal na pulisya at mga sundalo habang patungo sa kung saan napatay si Jalal upang mag-imbestiga. (April 21, 2024)
UPDATE: Ambush sa Lamitan City, Basilan

