Dalawa sugatan sa ambush sa Cotabato City

Dalawang residente ng Cotabato City ang sugatan sa isang ambush Barangay Rosary Heights 5 sa lungsod nitong gabi ng Biyernes.Sakay ng isang sports utility vehicle ang mga biktimang sina Misuari Tatak, 49-anyos, at kasamang 25-anyos na si Datu Akbar Maulana, ng pagbabarilin ng mga armadong kalalakihing naka puwesto sa isang bahagi ng 5th Road sa Barangay Rosary Heights 5 sa Cotabato City.Sa ulat ni Cotabato City police director Col. Querubin Manalang, Jr., nagtamo ng mga tama ng bala sina Tatak at Maulana na agad naman naisugod sa pagamutan ng mga barangay officials at mga kasapi ng Cotabato City Police Precinct 2 na nag-responde sa insidente.Ayon kay Manalang, may mga testigong kinilala na sa mga imbestigador ang mga nag-ambush kina Tatak at Maulana, ngayon pinaghahanap na ng mga intelligence agents ng Cotabato City Police Office. (April 20, 2024)