Operator ng pison, nasagasaan ng pison,patay

Patay ang isang operator ng pison na nasagasaan ng kanyang minamanehong pison sa isang kakaibang aksidente nitong Huwebes, October 5, 2023, sa bayan ng T’boli sa probinsya ng South Cotabato.

Sa pahayag nitong Biyernes ni Lt. Col. Verlin Pampolina, hepe ng T’boli municipal police, na deklarang dead on arrival ang biktima, si Jun Ewong Lumbong, ng mga manggagamot sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City kung saan siya isinugod upang malapatan sana ng lunas.

Ayon sa mga kakilala, si Lumbong ay isang katutubong T’boli at matagal ng road roller operator ng local government ng T’boli, isa sa mga bayan na sakop ng South Cotabato sa Region 12.

Ayon kay Pampolina, ginagamit ni Lumbong ang kanyang pison sa isang matarik, pababa na parte ng road expansion project sa Barangay Talcon sa naturang bayan ng biglang nagka-aberya ang naturang heavy equipment, nawalan ng giya at di na niya mapatigil kaya siya tumalon upang iligtas ang kanyang sarili.

Sa salaysay ng mga saksi, masama ang pagkakabagsak ni Lumbong sa palusong na bahagi ng iko-konkretong highway na kanyang pinipison kaya siya nasagasaan ng nasirang pison.

Tiniyak naman ng LGU ng T’boli ang ayuda na kailangan ng kanyang pamilya para sa pagpapalibing sa kanya. — October 6, 2023, JF Unson (Photo only for visual aid)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *