Isa ang Ministry of Labor and Employment-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa mga BARMM agencies na ekstensibo ang partisipasyon sa pag gunita ng Mindanao Week of Peace na nagsimula nitong Lunes, December 2, 2024.
Ang MoLE-BARMM ay nagsusulong ng mga programang makakapabuti sa kalagayan ng labor sector sa Autonomous Region, pati na ang pagsawata ng child labor at paggamit sa kabataan bilang mga mandirigma, o child combatants.
Ayon kay BARMM Labor and Employment Minister Muslimin Sema, ang kanilang ahensya ay suportado ang mga aktibidad na naglalayong maging mapayapa at progresibo ang mga lugar na saklaw ng mga hiwalay na peace agreements ng Malacañang sa Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front.
Ang pagtiyak na nasa mabuting kalagayan ang labor sector sa BARMM ay isa sa makakapalawig ng kapayaan at progreso sa rehiyon, ayon kay MoLE-BARMM Minister Sema, na siya ring chairman ng MNLF. (Dec.5, 2024)