Si Governor Hadji Abdusakur Tan, Sr. ng Sulu (sa kanan) at Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ay nagtagpo at nag-usap sa pinakahuling dalaw nito sa probinsya bago lamang.
Si Gov. Tan ang natuturingang “man-to-beat” sa larangan ng pulitika kanilang probinsya at madalas na binabanggit, bilang pasasalamat, sa mga press statements ng mga opisyal ng Sulu Provincial Police Office, ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ng Western Mindanao Command ng militar ang kanyang nagawa, sa suporta ng 18 na mayors sa Sulu, sa natamong kapayapaan na ng probinsya, dating kilalang kuta ng terroristang grupong Abu Sayyaf.
Nakakabiyahe na mga residente sa mga highways sa Sulu kahit gabi at bukas 24-oras ang mga magagandang beach resorts sa mga seaside towns doon mula pa 2020, ayon sa mga ulat ng mga municipal police stations sa probinsya, na kumpirmado naman ng mga opisyal ng PRO-BAR, sa pamumuno ni Bangsamoro regional police director Police Brig. Gen. Prexy. Tanggawohn. (May 5, 2024)