2 patay sa road accident sa Cebu

Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang 18 na iba pa ang sugatan at nagkapasa-pasa sa katawan sanhi ng pagbaligtad ng sinasakyang nilang passenger vehicle sa isang bahagi ng Cebu-Cordova Link Expressway sa hangganan ng Cebu City at Cordova sa probinsya ng Cebu nitong Sabado, May 6, 2024.

Ang dalawang pasaherong nasawi ay pumanaw habang ginagamot sa hospital, ayon sa ulat ng pulisya at mga emergency responders na nag-responde sa aksidente na mga kasapi ng ACCERT, Cordova Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office, Lapulapu Fire District at PRC Lapulapu.

Maagap naman nilang naisugod sa mga pagamutan ng 18 na mga pasaherong nasaktan sa naturang aksidente. (May 7, 2024, handout photo, Nagiel B. Banacia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *