Tumanggap ng cash allowance ang 300 na mga misyonaryong guro sa ibat-ibang mga Islamic schools sa probinsya ng Cotabato mula sa kanilang provincial government bilang suporta sa kanilang pagsisikap na maisulong ang Muslim-Christian solidarity sa kani-kanilang mga komunidad.
Sa ulat ng ibat-ibang himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong Linggo, May 7, 2024, bawat isa sa mga naturang mga Islamic religion teachers ay tumanggap ng kabuuang P1,500 cash bilang allowance mula January hanggan March ngayong taon.
Personal na ihinatid nito lang May 2 sa mga benepisyaro ng naturang three-month allowances para sa kanila ng mga kawani ng Moro Affairs Group ng tanggapan ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa mga Madrasah, o Islamic schools, sa ibat-ibang bayan sa probinsya.
Pinangunahan ni Edris Gandalibo, senior staff ng Cotabato Provincial Governor’s Office-Moro Affairs ang pamimigay ng tatlong buwang allowance ng mga Islamic religion teachers na isa ng regular na programa ng tanggapan ni Gov. Mendoza bilang supporta at pagtangkilik sa mga Moro communities na sakop ng kanyang administrasyon. (May 7, 2024)