COTABATO CITY (August 22, 2026) — Isa sa mga pangunahing layunin ng Bangsamoro Party (BAPA Party) ng Moro National Liberation Front ay ang mas mapalawak pa ang kapayapaan, kaunlaran at unawaan ng mga kultura at relihiyon ng mga Muslim, Christian at indigenous non-Moro communities sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ayon sa pahayag ng senior officials nito ngayong Sabado, August 22.
Ang presidente ng BAPA Party, si BARMM Labor and Employment Minister Muslimin Sema, chairman ng MNLF central committee, ay kaakibat ng iba’t-ibang mga cause-oriented at mga foreign at local humanitarian groups na may mga peacebuilding activities sa autonomous region mula pa ng mabuo ang September 2, 1996 final MNLF-government peace compact.
Isa sa mga aktibong naglilibot ngayon sa ibat-ibang mga probinsya ng BARMM kaugnay ng pagkampanya ng BAPA Party para sa mga nais nitong mailuklok sa 80-seat Bangsamoro parliament ay ang isa ding peace advocate, ang abogadong si Omar Yasser Sema, makikita sa larawan na kausap si Mayor Abdillah Mamasabulod ng Pagalungan, isang vote-rich town sa Maguindanao del Sur.
Sila ay nagpulong ni Mayor Mamasabulod sa Pagalungan kamakalawa.
Si Atty. Sema ay kasalukuyang miyembro ng Bangsamoro parliament, nanunungkulan bilang appointed regional lawmaker. Siya ang first nominee ng BAPA Party para sa BARMM parliament. Nakatakdang isagawa ng Commission on Elections sa September 14 ang first ever BARMM Parliamentary elections.
Kasama ni Atty. Sema sa kanyang pagdalaw sa municipal center ng Pagalungan ang 6th nominee ng Bapa Party para sa BARMM parliament, si Bai Soraida Matalam.
Ilang beses ng nagpahayag ng suporta ang mga ranking officials ng BAPA Party sa mga joint peace and security efforts ng Comelec, ng mga units ng Western Mindanao Command, kabilang ang 6th Infantry Division ng Philippine Army, at ng Police Regional Office kaugnay ng nalalapit ng BARMM parliamentary elections.

