COTABATO CITY (August 17, 2026) — Karagdagang 20 pa na mga college students mula sa mga mahirap na pamilya ang napabilang sa mga scholars ng isang miyembro ng Bangsamoro parliament na masigasig ang mga humanitarian missions sa mga bayan sa Bangsamoro Special Geographic Area sa probinsya ng Cotabato.
Ang naturang mga bagong scholars ng tanggapan ni Bangsamoro parliament member Kadil Sinolinding, Jr. ay sumailalim na sa kaukulang orientation kaugnay ng kanilang pagiging benepisyaryo ng scholarship grants ng kanyang tanggapan sa 80-seat regional parliament.
Ang Bangsamoro Special Geographic Area, mas kilala na Bangsamoro SGA, ay may walong predominantly-Moro municipalities na nasa ilalim ng Bangsamoro regional government, ngunit nasa probinsya ng Cotabato na sakop ng Administrative Region 12.
Mismong mga regional officials sa BARMM government at mga local executives sa Bangsamoro SGA ang nag-ulat nitong Lunes, August 17, ng pagkaka-dagdag ng mga scholars ng tanggapan ni Sinolinding, mas kilala na “Doc Jojo,” na siya ring namamahala ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang karagdagang 20 pa na mga bagong scholars ng tanggapan ni Sinolinding, mas kilala na “Doc Jojo” sa Bangsamoro SGA, ay dumalo sa symbolic na signing ng mga scholarship contracts nito lang August 13 sa Cotabato City sa isang okasyon, ang Mass Signing of Scholarship Contracts and Orientation of 1st Cohort Grantees under the Access to Higher and Modern Education College Assistance Program, na inorganisa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education-BARMM.
Ang physician-ophthalmologist na Sinolinding at ang BARMM health ministry na kanyang pinamumunuan ay maraming mga ekstensibong humanitarian activities sa Bangsamoro SGA na suportado ng pribadong Deseret Surgimed Hospital sa Kabacan, Cotabato, ng mga mayors, vice mayors at mga barangay officials Bangsamoro SGA at ni Cotabato Gov. Emylou Taliño-Mendoza.
Makikita sa larawan ang mga karagdagang bagong scholars ng tanggapan ni Sinolinding na dumalo sa mass scholarship contract signing na inorganisa ng Bangsamoro education ministry, ginanap sa Cotabato City nitong August 13 lang.

