Bangsamoro regional police, military handa na para sa BSKE

COTABATO CITY (Oct. 29, John Unson) — Abot sa 8,809 na mga kasapi ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang magbabantay sa mga polling sites sa anim na probinsyang sakop nito, kung saan mayroon pang 1,000 na mga dagdag na iba pa mula sa Region 12, 11 at 10.

Ito ang iniulat ni Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng PRO-BAR, sa isang press briefing nitong Linggo ng umaga sa isang function facility dito sa Cotabato City.

Ayon kay Nobleza, 5,000 na mga kasapi ng ibat-ibang unit ng Army at ng Philippine Marines na sakop ng Western Mindanao Command ang kanilang magiging katuwang mga security missions para sa gagawing barangay at Sangguniang kabataan bukas, October 30, 2023.

Sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga probinsya ang Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, at ang mga lungsod ng Marawi, Lamitan at Cotabato. (JOHN UNSON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *