P2.7-M halaga ng shabu nakumpiska sa Maguindanao del Norte

Nasamsam ng mga pulis ang P2.7 million na halaga ng shabu sa isang dealer na na-entrap sa Barangay Limbo sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Lunes, April 22, 2024.Sa ulat nitong Martes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nasa kustodiya na ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang suspect, si Jobert Balleque Paches, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2024.Ayon kay Tanggawohn, agad na inaresto si Paches matapos magbenta ng 400 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P2.7 million, sa mga hindi unipormadong mga kasapi ng Sultan Kudarat MPS na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Esmael Madin sa naturang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Limbo.Ayon kay Madin, tumulong ang ilang residente ng Barangay Limbo sa pagplano ng entrapment operation na nagresulta sa pagkaka-aresto kay Paches at pagkakumpiska sa kanya ng P2.7 million na halaga ng shabu, cellphone na may mga numero ng kanyang mga contacts at ang kanyang putng minivan may plakang MAT 9729 na ayon sa mga kakilala ay gamit niya sa paghahatid ng shabu sa kanyang mga parukyano. (April 23, 2024)