P6.8 million na halaga ng shabu nasamsam sa Marawi City

Nakumpiska ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P6.8 million na halaga ng shabu sa dalawang dealers na na-entrap kamakalawa sa Barangay Saduc sa Marawi City sa probinsya ng Lanao del Sur.Kinumpirma nitong Lunes, April 22, 2024, ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nakakulong na ang dalawang suspects, sina Abdul Diongaan at Panarigan Radia, nalambat sa tulong ng mga local executives, kabilang sa kanila si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr.Ayon kay Castro, agad na inaresto sina Diongaan at Radia ng mga mga operatiba ng PDEA-BARMM matapos magbenta sa kanila ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, sa isang entrapment operation sa isang liblib na pook sa Barangay Saduc na suportado ng ibat-ibang units na nasa pamumuno ni Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn.Nasa kustodiya na ng PDEA-BARMM sina Diongaan at Radia, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay Castro. (APRIL 22, 2024)