Na-aresto na ng mga pulis at kusang loob ng umamin sa nagawang krimen ang isang lalaki na pumatay ng isang 11-anyos na batang babae matapos niyang gahasain diumano sa Barangay Pangandao sa Manukan, Zamboanga del Norte nitong April 16, 2024.Kinumpirma ng mga opisyal ng Manukan Municipal Police Station nitong Lunes na nakapiit na ang suspect na si Melvin Gumelok, 20-anyos, na natunton at na-aresto sa isang liblib na lugar sa naturang bayan sa tulong ng mga impormanteng alam ang kanyang pinagtataguan.Natagpuan ng mga residente ang bangkay ng batang babae na pinatay, si Janeth Falconite Upod, isang Grade 4 pupil ng Pangandao Elementary School, sa isang mababaw na hukay sa bakanteng lote sa Barangay Pangandao dalawang araw mula ng siya ay naiulat ng kanyang mga kamag-anak sa pulisya na nawawala.Ayon sa Manukan MPS at sa Zamboanga del Norte Provincial Police Office, nahaharap na sa mga kaukulang kaso si Gumelok, na humingi na ng tawad sa pamilya ni Upod sa kanyang nagawang krimen. (April 22, 2024)
Arestado: Pumatay, gumahasa ng 11-anyos na babae

