2 dealers sa Sulu nakunan ng P34,000 halaga ng shabu

Nakumpiska ng mga operatiba ng Jolo Municipal Police Station ang P34,000 na halaga ng shabu mula sa dalawang mga dealers na na-entrap nitong gabi ng Linggo, April 21, 2024, sa isang liblib na lugar sa Barangay Busbus sa Jolo, Sulu. Agad na inaresto sina Alkaiser Amistoso Alsid, 42-anyos, at ang 25-anyos na si Nasran Karamon Alipal ng mga pulis na kanilang nabentahan ng P34,000 na halaga ng shabu sa Sitio Laud-Laud sa Barangay Busbus. Sila ay nasa kustodiya na ng Jolo Municipal Police Station at nahaharap na sa kaukulang kaso, ayon sa sa police chief ng Jolo, si Lt. Col. Annidul Sali. (April 22, 2024) Photo: Busbus Busted