Isang 54-anyos na dealer ang napatay ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency ng pumalag at namaril ng kanyang nabentahan ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Purakan sa Balabagan, Lanao del Sur nitong Miyerkules, April 15.
Sa ulat nitong Huwebes ng mga local executives at mga Maranao traditional leaders na tumulong sa paglatag ng naturang entrapment operation, ang napatay na 54-anyos na si Farouk Ampuan Ansa, residente ng Calanogas, Lanao del Sur, ay matagal ng kilalang dealer ng shabu at marijuana na may mga kasabwat sa ilang hindi kalayuang mga bayan sa Zamboanga del Sur sa Region 9
Nasamsam ng mga agents ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region sa nasawing si Ansa ng kalahating kilong shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, inaalam na kung sino ang supplier na kanyang kasabwat.
Sa pahayag nitong Huwebes ni Edgar Jubay, director ng PDEA-BARMM, pumalag ang suspect ng mahalatang mga anti-narcotics agents at mga pulis pala ang kanyang bebentahan ng shabu sa isang lugar sa Barangay Purakan kaya ito naglabas ng baril at agad na pinaputukan ang kanyang mga ka-transakyon.
Nagsanhi ng palitan ng putok ang pag-palag ni Ansa na nagresulta sa kanyang pagkamatay. Na-deklara siyang dead on arrival ng mga doctor sa isang hospital kung saan siya dinala ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.
Maliban sa P3.4 million na halaga ng shabu, nakumpiska din ng PDEA-BARMM agents ang hindi lisensyadong 9 millimeter pistol ni Ansa.
Nagpasalamat si Jubay sa mga local executives sa Lanao del Sur at kay Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office sa kanilang pagsuporta sa naturang entrapment operation. (April 16, 2026)

