Isang 22-anyos na lalaki ang agad na namatay habang sugatan naman ang isa pa sanhi ng pamamaril sa Barangay Matibay sa Lamitan City sa Basilan nitong tanghali ng Martes, April 14.
Sa ulat ng Lamitan City Police Station at ng mga barangay officials, agad na namatay sa mga tama ng bala si Ahmad Arya Musa isa sa dalawang biktima ng naturang pamamaril.
Agad namang naisugod ng mga emergency responders ang 72-anyos na si Mannan Alpa Iraham na nasugatan sa naturang pamamaril.
Nasa ligtas ng kalagayan ang senior citizen na si Iraham, ginagamot na sa Lamitan City District Hospital, ayon sa mga local executives sa lungsod at mga officials ng kanilang city police force.
Mabilis na nakatas ang mga salarin sa insidenteng nagsanhi ng pagkamatay ni Musa at pagka-hospital ni Iraham dahil sa tinamong mga tama ng bala. (April 15, 2026)

